Old 06-04-2012, 06:59 PM   #1
Saan galing pangalan mo?
omgitsyuu omgitsyuu is offline 06-04-2012, 06:59 PM

Pangalan.
Yan ang unang problemang ibibigay sayo ng mga magulang mo. Kung pwede lang magsalita ka kagaya ni Lam-Ang, Gagawin mo para naman maging maganda pangalan mo. Pero dahil hindi mo nagawa, Yung facebook name mo na lang ang pinapalitan mo.

Saan nga ba nakuha ng Magulang mo ang pangalan mo?


COMMON.
Eto yung pangalan ng bayan.. Pangalan ng kapitbahay mo na pangalan ng klasmeyt mo, na pangalan pa rin ng kapitan ng baranggay niyo, at ng marami pang iba na naging biktima ng mga magulang nilang walang creativity. Ayan ang ipinangalan sayo dahil yan ang uso. e.g. Ana, Juan, Pedro. pero yung iba, gusto nila english kaya naman si Ana naging Anne, John si Juan at Peter si Pedro.

BLENDING.
Eto yung pangalan ng isang tao na mula sa dalawa o higit pang tao. e.g. Drake Wayne. o kaya naman Mariah Beyonce Gaga. Pero madalas, Yung mga gantong pangalan ay mula sa Pangalan ng mga magulang nila. Kung ang Pangalan ng Tatay mo ay Kit Thompson at ang Pangalan ng Nanay mo ay Myrtle Sarrosa, malamang Kittle Sarrosa Thompson ang Full name mo.

INHERITED.
Eto yung mga pangalang minana sa kaninu-ninuan pa. Pangalan ng lolo mo na pangalan na rin ng tatay mo at ipapangalan pa sayo. Sila yung madalas na Junjun o Junior, The third, IV, V, VI and so on. Magandang halimbawa nyan si Benigno Aquino Sr. na ama ni Former Sen. Ninoy na isang Jr. at sinundan pa ni PNOY na “the third”.

MEDIA.
Eto naman yung mga pangalan na nakukuha ng mga magulang natin sa kung saan-saang programa sa telebisyon. kasalan ng ABS-CBN kung bakit Marina ang Pangalan mo. Magpasalamat ka na lang na Hindi Dugong ang naisipan nila ibigay sayo nung nakita ka nila. kasalanan naman ng GMA kung Mulawin ang pangalan mo. Ang pangalan mo ay nagmula sa paborito nilang karakter sa paborito nilang pelikula habang ipinagbubuntis ka nila. Hindi na ko magtataka kung may mga bagong panganak na Aryana ngayong taon.

PRINTED.
Eto yung pangalan na nakita lang na nakasulat sa kung saan at bigla na lang nagustuhan. Kadalasan, mga produkto o kaya naman pangalan ng kompanya. e.g. kung napanuod mo na ang “August Rush”, pamilyar ka sa pangalan na ‘to na nanggaling lang sa isang truck na dumaan. Malas ka kung Truck ng Pigrolac ang dumaan sa harap ng magulang mo habang nag-iisip siya ng ipapangalan sayo.

UNIQUE KUNO.
Yung mga pangalan na basta lang masabing “Unique”. Lalagyan ng X, ng Y, Z at ng lahat ng letra na hindi masyadong nagagamit. Yung mga magulang na ‘to ang pinagmulan ng mga Jejemon. e.g. Princesxz Charisx.

Bahala ka nang alamin kung saan nanggaling ang Pangalan mo. Wag ka nga pala masyado ma-depress, masama yan sayo. Mahalin mo na lang yan. Yan ang unang pamana sayo ng Parents mo.


pero ako ayuko ng pangalan ko ka common masyado

 
omgitsyuu's Avatar
omgitsyuu
S H U ii
Join Date: Jun 2010
Location: Korea
Posts: 659





Last edited by omgitsyuu; 06-04-2012 at 07:03 PM..
Views: 1888
Reply With Quote
The Following User Says Thank You to omgitsyuu For This Useful Post:

 Re: Saan galing pangalan mo?
Old 06-04-2012, 07:45 PM   #2
 
Phrixus's Avatar

Phrixus
P U L P
Phrixus is offline
Posts: 1,755
PX Cash: 20,235
Phrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud ofPhrixus has much to be proud of
Rep Power: 312
Default Re: Saan galing pangalan mo?

from a Greek philosopher and polymath, a student of Plato and teacher of Alexander the Great
  Reply With Quote
 

 Re: Saan galing pangalan mo?
Old 06-06-2012, 06:38 PM   #3
 
aletheia's Avatar

aletheia
Acheronta movebo
aletheia is offline
Posts: 788
PX Cash: 23,278
aletheia is just really nicealetheia is just really nicealetheia is just really nicealetheia is just really nice
Rep Power: 253
Default Re: Saan galing pangalan mo?

first name ko eh german name dahil sa germany nagmeet parent ko my second name eh pinasosyal na name ng mom ko, Therese
  Reply With Quote
 

 Re: Saan galing pangalan mo?
Old 06-06-2012, 08:50 PM   #4
 
doppelganger's Avatar

doppelganger
CHARMER THAN PINK
doppelganger is offline
Posts: 1,253
PX Cash: 13,851
doppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant futuredoppelganger has a brilliant future
Rep Power: 299
Default Re: Saan galing pangalan mo?

Gusto ni mama ng letter "I". Kaya kami ng ate ko nagsisimula ang first name sa letter "I".Yung second name sinunod sa isang composer ng isang kanta na lagi niyang kinakanta sa videoke.
  Reply With Quote
 

 Re: Saan galing pangalan mo?
Old 06-06-2012, 11:08 PM   #5
 
BORGZ's Avatar

BORGZ
OFWGK†Δ
BORGZ is offline
Posts: 2,921
PX Cash: 114,786
BORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond reputeBORGZ has a reputation beyond repute
Rep Power: 321
Default Re: Saan galing pangalan mo?

Blending

litiral na galing sa tatay at nanay q pangalan q..

NickName ni erpat ROMEO Habang c ermat naman FENEY

Kya ROM + NEY = ROMNEY lewlz
  Reply With Quote
 

 Re: Saan galing pangalan mo?
Old 06-07-2012, 03:14 AM   #6
 
Arkhin's Avatar

Arkhin
`Yupsidudes!
Arkhin is offline
Posts: 614
PX Cash: 8,614
Arkhin is a glorious beacon of lightArkhin is a glorious beacon of lightArkhin is a glorious beacon of lightArkhin is a glorious beacon of lightArkhin is a glorious beacon of lightArkhin is a glorious beacon of light
Rep Power: 240
Default Re: Saan galing pangalan mo?

media cguro

*nakuha ng magulang ko ang pangalan q sa isang sikat na astronaut na si "EDWIN ALDRIN BUZZ" ( Register to view links )
*dahil sa kagustuhan na maging unique cguro ang ALDRIN ay nilagyan ng E
*kaya ang pangalan ko ngaun ay ALDRINE
*mga magulang nga naman
  Reply With Quote
 

 Re: Saan galing pangalan mo?
Old 06-07-2012, 03:20 PM   #7
 
rainjazz23's Avatar

rainjazz23
Junior Member
rainjazz23 is offline
Posts: 61
PX Cash: 1,460
rainjazz23 is on a distinguished road
Rep Power: 128
Default Re: Saan galing pangalan mo?

inherited parang nagpamana ng sumpa...huhuhu
  Reply With Quote
 

 Re: Saan galing pangalan mo?
Old 06-12-2012, 10:24 PM   #8
 
akoxiiasian's Avatar

akoxiiasian
Junior Member
akoxiiasian is offline
Posts: 20
PX Cash: 744
akoxiiasian is on a distinguished road
Rep Power: 126
Default Re: Saan galing pangalan mo?

Media : From margie moran haha
  Reply With Quote
 
Reply

Bookmarks


Facebook Comments

Thread Tools

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump



All times are GMT +8. The time now is 07:41 PM.

Powered by: vBulletin
Copyright ©2000 - 2014, Jelsoft Enterprises Ltd.
vBCredits v1.4 Copyright ©2007 - 2008, PixelFX Studios

Disclaimer: None of the files shown here are hosted or transmitted by this server. The links are provided solely by this site’s users. All references are copyright to their respective owners. Pinoyxtreme.com is not responsible for what its users post, or any other actions of its users. Pinoyxtreme.com is not responsible for the accuracy, compliance, copyright, legality, decency, or any other aspect of the content of other linked sites. You may not use this site to distribute or download any material when you do not have the legal rights to do so. It is your own responsibility to adhere to these terms.